January 28, 2023 3 min read
Ang lahat ng KOOPERATIBA ay may sinusunod na pitong (7) prinsipyo. Ito ay isinasabuhay lang lahat ng kooperatiba sa buong mundo.
1. Kusang-loob at bukas na pagsapi. (Open and voluntary membership)
Ang kooperatiba ay isang legal na samahan na ang lahat ay inaanyayahan. Ito ay bukas sa lahat ng mga tao na nagnanais na magbahagi ng kakayahan at yaman, makinabang sa serbisyo nito at tanggapin ang responsibilidad bilang isang kamay-ari. Ang kooperatiba ay hindi nagbabase at tumitingin sa kasarian, lahi, pinag-aralan, relihiyon, at katatayuan sa buhay o panlipunan.
2. Demokratikong pangkasapiang pamamahala. (Democratic members control)
Ang mga Kooperatiba ay demokratkong organisasyon na kontrolado o pinamamahalaan ng ng mga kamay-ari na masugid o masigasig na nakikilahok sa paggawa ng mga alintuntunin at pagbibigay ng mga desisyon. Ang mga kamay-ari ay mag karaptan na bumoto at iboto sa sinumang gustong magserbisyo nilang mga halal na opisyales nito. Ang pagboto ng mga kamay-ari, di katulad sa ibang uri ng organisasyon, ay hindi nagbabase sa laki ng iyong saping puhunan o “share capital”. Mahigpit na ipinatutupad sa sa kooperatiba ang “One man one vote” at “No proxy voting” policy.
3. Pangkabuhayang partisipasyon ng mga kasapi. (Member economic participation)
Ang mga kamay-ari ay nagbibigay o nag-aambag ng karampatang saping puhunan o “Share Capital” upang magamit ng kooperatiba sa mga business operation nito. Bilang mga kamay-ari tungkulin din ng bawat isa na tangkilikin ang serbisyong ibinibigay ng kooperatiba. Bilang pribelehiyo, ang labis na kita o “Net Surplus” ay ibinabalik o ipinamamahagi din mga kamay-ari bilang dibidendo at balik-tangkilik ayon sa laki ng kanilang saping puhunan.
Hinihikayat din na ang lahat ay mag-impok sa kooperatiba. Tungkulin din ng bawat kamay-ari na suportahan ang iba pang mga aktibidad ng kooperatiba na inaprubahan ng buong kasapian.
4. Awtonomiya at kasarinlan. (Autonomy and independence)
Ang kooperatiba ay organisasyon na may kasarinlan, sariling-sikap at ito’y pinamamahalaan ng mga kamay-ari. Ang pamamahala ng kooperatiba ay hindi pwede ditkahan ng sino man, individual man oibang organisyon. Ito ay may sariling panloob na batas na dapat sundin na naayos sa batas na tinakda ng gobyerno na pinatutupad ng Cooperative Development Authority.
5. Patuloy na edukasyon, pagsasanay at impormasyon. (Continues education, training and information)
Ang kooperatiba ay may tuloy-tuloy na programa pang-edukasyon at pagsasanay sa mga kamay-ari at opisyales nito. Ito ay upang mabigyan ang lahat ng kamay-ari ng kaalaman sa tamang pamamalakad ng kooperatiba. Ang tamang edukasyon sa bawat kamay-ari ang magpapatatag ang pagpapaunlad nito sa kabuuan.
Nagbibigay din ang kooperatiba ng regular na pagsasanay at impormasyon sa pagnengosyo upang makatulong sa ika-uunlad ng bawat isa.
6. Pagtutulungan ng mga kooperatiba. (Cooperation among Cooperatives)
Isang mahalagang prensipyo din ng kooperatiba ay matulungan din ang ibang kooperatiba lalo na ang maliliit o nagsisimula pa lamang. Kasama sa pagtulong dito ay ang pagbabahagi ng mga makabago at tamang paraan na ginagawa ng matatagumpay at malalaking kooperatiba. Ito ay paraan din upang mapalakas ang sektor ng kooperatiba hindi lang dito sa ating bansa kung di pati sa buong mundo.
7. Pagpapahalaga sa pamayanan. (Concern for community)
Kasama sa prinsipyo ng bawat kooperatiba ang pangangalaga sa komunidad o pamayanang kanyang ginagalawan. Kasama dito ang pagtulong sa mga kalamidad, pagbibigay pondo sa pagpapaganda ng pamayanan, pangangalaga sa mga kabataan, at iba pa. Naniniwala ang kooperatiba na ang pag-unlad ng pamayanan ay responsibilidad din nito kasabay sa kanyang pag-unlad.